ZAMBOANGA CITY- Nawalan ng tahanan ang nasa 300 pamilya matapos tupukin ng apoy ang kanilang bahay sa naganap na apat na oras na sunog kaninang umaga sa lungsod na ito.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection-Zamboanga City, bandang alas-8:39 ng umag nang magsimula ang sunog sa Barangay Arena Blanco, sa nasabing lungsod.
Tumagal ng apat na oras ang sunog at dineklara itong fire out bandang alas-12:55 ng hapon.
Agad namang nagtungo sa nabanggit na lugar si Mayor John Dalipe at inatasan ang tanggapan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office para agarang pamamahagi ng tulong sa mga pamilyang nasunugan.
Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa sunog at tinatayang aabot sa ₱1.25 milyon ang danyos.
Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang mga awtoridad para alamin ang pinagmulan ng sunog. Mary Anne Sapico