100 COVID-19 testing lab, nais mailunsad ng pamahalaan

100 COVID-19 testing lab, nais mailunsad ng pamahalaan

May 24, 2020 @ 10:46 AM 4 days ago

  •  
  •  
  •  
Share

Baguio City – Planong maidagdag ng pamahalaan ang 100 coronavirus testing laboratories, bilang dagdag sa 39 pa sa bansa, upang mapaibilis ang testing para sa coronavirus disease (COVID-19), ayon kay Carlito Galvez Jr., pinuno ng national task force against COVID-19.

“When [the epidemic] started, we only had the [Research Institute for Tropical Medicine] and three other laboratories [for COVID-19 testing], now we already have 39 laboratories, and we aim to have 100 more,” aniya sa mga mamamahayag.

Nangangahulugan itong kailangan pang magkaroon ng 61 na laboratoryo upang pataasin ang kapasidad at maabot ang target nitong 30,000 polymerase chain reaction tests kada araw sa pagtatapos ng Mayo.

Nitong Mayo 5, sinabi ni Bases Conversion and Development Authority president Vincent Dizon, chief ng government testing program, na nasa 78 na laboratoryo ang kailangan ng gobyerno upang maabot ang target.

Kapwa sinabi ni Galvez at Dizon na alam ng pamahalaan ang kahalagahan ng tracing, testing at paggamot sa kaso ng COVID-19 at binanggit ang tagumpay ng Vietnam sa pagbuo ng 112 na laobratoryo sa halos tatlong buwan.

Ani Galvez, kukuha ng rapid test kit ang pamahalaan at nakabili na ng 200,000 rapid test kits ang pamahalaan upang ipamahagi sa Metro Manila, Cebu, Davao at iba pang lugar na may mataas na kaso ng COVID-19. RNT/MM

Share

Leave a Reply

Loading...