MANILA, Philippines – Nasa kabuuang 100 overseas Filipino workers (OFWs) ang napauwi na sa Pilipinas mula Kuwait nitong Sabado, Agosto 26.
Mismong sina Overseas Workers Welfare Association (OWWA) Administrator Arnaldo Ignacio at airport team nito ang sumalubong sa mga OFW na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Bahagi ito ng repatriation program kasunod ng pangako ng OWWA at Migrant Workers Office na tutulong pa sa mas maraming Filipino na nangangailangan ng repatriation.
Noong Agosto 21 ay nasa 20 OFWs ang napauwi na rin sa bansa, at panibagong grupo na may 50 OFWs noong Agosto 25.
Binigyan ang mga ito ng pagkain, matutuluyang hotel, at pamasahe pauwi sa kani-kanilang mga probinsya.
Makatatanggap din ang mga ito ng financial aid panimula sa kanilang buhay. RNT/JGC