MANILA, Philippines-Sinabi ng National Electrification Administration (NEA) nitong Martes na target nitong makamit ang 100% electrification sa bansa sa pagtatapos ng Marcos administration sa 2028.
“By 2028, 100% electrification. Double time tayo. My administration will always be anchored in the principle of good governance. I will make sure that the Sitio Electrification Program funds are utilized well,” pahayag ni NEA Administrator Antonio Mariano Almeda.
Sinabi ni Almeda na tutulong ang NEA sa pagpapatupad ng Implementing Rules and Regulations ng Republic Act 11646 o ng Microgrid Systems Act, na naglalayon na pabilisin ang total electrification at tiyakin ang probisyon ng de-kalidad, maaasahan at secure na electricity service sa unserved at underserved areas.
Sinabi niya na gagampanan ng ahensya ang “very strategic role in addressing the power rate hikes.”
Ayon pa kay Almeda, prayoridad din niya ang restructuring ng ahensya.
Aniya, paiigtingin ang capacity building ng mga empleyado ng NEA at electric cooperatives. RNT/SA