Home NATIONWIDE 100 pang POGO workers pauuwiin pagkatapos ng Pasko – BI

100 pang POGO workers pauuwiin pagkatapos ng Pasko – BI

MANILA, Philippines – Mahigit 100 Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) workers, karamihan ay Chinese nationals, ang nakatakdang pauwiin pagkatapos ng Pasko, sinabi ng Bureau of Immigration nitong Linggo, Disyembre 17.

Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, mahirap nang maisabay sa pagpapauwi ngayon ang naturang mga dayuhan dahil peak season na sa mga paliparan.

“The other day, nag-deport tayo ng 180 Chinese nationals. Ito ‘yung mga nahuli in Pasay. There are other batches na mga susunod in the next few weeks siguro. Malamang after Christmas na because of the difficulty in the scheduling of the flight ngayong peak season,” sinabi ni Sandoval sa panayam ng DZBB.

Nitong Huwebes, sinabi ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na ipinoproseso na nila ang deportation ng nasa 180 Chinese workers na inaresto sa raid noong Oktubre dahil wala itong kaukulang immigration documents.

Ito ang pinakamalaking batch ng mga pauuwiin sa ngayon, ayon sa PAOCC.

Ani Sandoval, ngayong 2023 ay aabot na sa 2,000 dayuhan ang kanilang naipa-deport.

Pinabibilis na ng BI ang deportation ng iba pang mga arestadong indibidwal dahil puno na rin ang kanilang holding facility sa Bicutan, Taguig City.

“‘Yan ang isa sa mga priority projects natin na talagang bilisan ang deportation nitong mga ito kasi medyo overcrowded na talaga ang ating facility natin in Bicutan. It’s supposed to hold just 100 [people], ngayon halos nasa 300 ‘yung laman ng ating facility,” aniya. RNT/JGC

Previous articleNoKor nagpakawala ng short-range missile
Next article15 Pinoy na sakay ng barkong inatake ng drone sa Red Sea, makatatanggap ng tulong