Home NATIONWIDE 100 patay sa airstrike ng Israel sa Gaza sa araw ng Pasko

100 patay sa airstrike ng Israel sa Gaza sa araw ng Pasko

GAZA – Aabot na sa 100 ang bilang ng mga nasawi sa mapaminsalang air strike ng Israel sa Gaza sa araw ng Pasko, Disyembre 25.

Ang strike ay nagsimula ilang oras bago ang hatinggabi ng Lunes, kung saan sinabi ng Palestinian media na naglunsad ng air at ground shelling ang Israel sa central Gaza.

Ayon kay Health ministry spokesperson Ashraf Al-Qidra, karamihan sa mga nasawi sa Maghazi ay mga babae at bata. Walo iba pa ang nasawi sa paglulunsad ng dose-dosenang airstrike ng Israeli planes at tanks sa mga bahay at kalsada malapit sa al-Bureij at al-Nusseirat.

Sinabi pa ng mga medic na ang airstrike sa Khan Younis sa southern Gaza ay kumitil din sa buhay ng 23, kung kaya’t ang nasawi sa magdamagang airstrike ay umakyat na sa 100.

Sa Christmas message ni Pope Francis nitong Lunes, nanawagan siya na itigil na ang giyera kabilang ang Gaza, dahil sa maraming buhay na nasasayang partikular na ang mga bata.

Sinabi ng Israeli army na sinusuri na nila ang ulat ng insidente sa Maghazi at nangako na mas pabababain pa nila ang epekto nito sa mga sibilyan.

Pinasinungalingan naman ng Hamas ang paratang ng Israel na nagkukubli ang mga ito sa “densely populated areas” at ginagamit ang mga sibilyan bilang human shield. RNT/JGC

Previous articleLalaki pinagtataga ng stepfather sa Palawan
Next article2 dayuhang pedo hinarang ng BI sa NAIA