Home NATIONWIDE 100K makikinabang sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Isabela

100K makikinabang sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Isabela

MANILA, Philippines -Aabot sa 100,000 Filipinos ang inaasahang makikinabang sa ikawalong bugso ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) na isinasagawa sa Isabela.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, ang naturang fair ay magdadala ng mga serbisyo ng pamahalaan at magkakaroon din ng cash aid distributions.

“Batid po namin na hindi madali sa marami sa atin, lalo na kayong nakatira sa malalayong lugar, ang pumunta at makahingi ng tulong sa pamahalaan. Kaya nga po, sa Serbisyo Fair na ito, ang pamahalaan na po ang lumalapit sa inyo,” ani Romualdez.

Samantala, sinabi ni House Deputy Secretary General Sofonias Gabonada, na miyembro rin ng BFSF national secretariat, na aabot sa P152 million halaga ng cash aid ang ipamamahagi sa mga residente ng Isabela.

“Sa Serbisyo Fair, nagsama-sama ang iba’t-ibang mga sangay ng pamahalaan upang maihatid at maipaabot nang mas mabilis ang mahahalagang impormasyon at serbisyo tungo sa ating sama-samang pag-unlad,” dagdag ni Romualdez.

Ilan pa sa mga serbisyong kabilang dito ang Assistance to Individuals in Crisis Situations of the Department of Social Welfare and Development, maging ang scholarship programs ng Technical Education And Skills Development Authority at Commission on Higher Education. RNT/JGC

Previous articleGABRIELA nanawagan ng ceasefire sa Israel-Hamas war
Next articleChatbot sa mga biktima ng domestic violence inilunsad sa QC