Home NATIONWIDE 100K multiple voter registrant kakasuhan ng Comelec

100K multiple voter registrant kakasuhan ng Comelec

MANILA, Philippines – Nakatakdang kasuhan ng Commission on Elections (Comelec) ang nasa 100,000 indibidwal na napatunayang maraming voter registration.

Sinabi ng Comelec sa isang briefing ng Bagong Pilipinas Ngayon, na ang bilang ay bahagi ng halos kalahating milyong rehistrong natukoy nila noong 2023.

Ayon kay Comelec spokesperson Atty.John Rex Laudiangco, nasa humigit-kumulang 500,000 double at multiple registrants ang tinanggal noong nakaraang taon

Sa kanilang pagtatasa, 100,000 sa kanila ay tinangkang sinadya . Ang pagpaparehistro ng higit sa isang beses para sa layunin ng pagiging flying voter ay itinuturing na isang pagkakasala sa halalan, sinabi ni Laudiangco.

Ang kaso sa election offense ay may parusang isa hanggang anim na taong pagkakulong, pagtanggal ng karapatang bumoto at diskwalipikasyon na humawak ng pampublikong tungkulin.

Aniya, ang pagsasampa ng mga kaso ay dapat magsilbing babala laban sa mga nagbabalak na mag-aplay para sa higit sa isang pagpaparehistro

Ang isang kaso ng paglabag sa halalan ay may kaparusahan at binalaan din ni Laudiangco na malalaman din ng komisyon ang ganitong pagtatangka.

Samantala, sinabi ni Laudiangco na 175,000 aplikante para sa rehistrasyon ang natanggap ng komisyon sa ikalawang araw ng voter registration period para sa May 2025 midterm elections .

Sinabi ni Comelec chair George Erwin Garcia na halos dumoble ang bilang noong Martes sa bilang ng mga nagparehistro sa pagsisimula ng registration period noong Lunes.

Kasabay nito, sinabi ni Garcia na naghahanda na sila sa pag-tap sa mga religious establishment na pag-aari ng Simbahang Katoliko, Iglesia ni Cristo, Jesus is Lord Church at El Shaddai bilang satellite registration venues.

Aniya, plano rin nilang dalhin ang proseso ng rehistrasyon sa Camp Abu Bakar na pag-aari ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Inaasahan ng komisyon ang nasa 3 milyong bagong rehistradong botante sa loob ng pitong buwang voter registration period.

Samantala, nanawagan ang Comelec sa Western Visayas sa mga nagparehistro mula sa rehiyon, kabilang ang mga interesadong mag-avail ng RAP, na magpatala nang maaga at huwag nang hintayin ang deadline sa Setyembre 30. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleBebot timbog sa pagbebenta ng pekeng PhilHealth ID
Next article‘Comprehensive sexuality education’ muling susuriin ng DepEd vs teen pregnancy