Home NATIONWIDE 100K trabaho sa energy sector malilikha – Labor chief

100K trabaho sa energy sector malilikha – Labor chief

MANILA, Philippines- Magkakaroon ng halos 100,000 trabaho na lilikhain sa Energy sector, ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma sa House Appropriations Committee sa kanilang budget briefing nitong Huwebes.

Sinabi ni Laguesma sa mga mambabatas na malapit nang maisakatuparan ang mga trabahong ipinangako ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

“Meron na po kaming nakikita ngayong development lalo na po sa may kinalaman sa energy at saka sa power sector. Meron na pong tinataya na, batay sa aking pakikipag-ugnayan sa Department of Energy Secretary na meron po siyang tinatayang humigit kumulang malilikha na hanapbuhay na 100,000 daw po,” ayon kay Laguesma.

Subalit, inamin ng opisyal na bagama’t dumarami ang mga nagkakatrabaho, hindi gaanong mataas ang sahod sa mga ito.

“Iyon po ‘yung patuloy na challenge sa amin kasi ang quality of job po di po namin masasabi na makikita natin kaagad,” paliwanag ni Laguesma. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article2 patay sa kuryente
Next articlePBBM: BSKE may ‘big impact’ sa 2025 polls; Partido Federal, sinisilip makipag-alyansa