Home METRO 102 pares nagpalitan ng ‘I Do’ sa Las Piñas

102 pares nagpalitan ng ‘I Do’ sa Las Piñas

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng mass wedding ang lokal na pamahalaan ng Las Piñas kung saan dinaluhan ito ng 102 pares na nagpalitan ng salitang “I Do” nitong nakaraang Marso 22.

Sinabi ni Las Piñas City Mayor Imelda ‘Mel’ Aguilar, inihandog ng lokal na pamahalaan ang pagsasagawa ng libreng kasal sa 102 magsing-irog na matagal nang nagsasama ngunit hindi pa rin nababasbasan ng matrimonyo.

Ayon kay Aguilar, ang programang mass wedding ay bahagi ng aktibidad na inialok ng lokal na pamahalaan kaugnay sa selebrasyon ng ika-27 anibersaryo ng lungsod sa darating na Miyerkules, Marso 27.

Ani pa ng alkalde, pinangunahan ni Vice-Mayor April Aguilar ang pagbabasbas ng kasal sa 102 pares ng maglive-in partner na ginanap sa Verdant covered court ng Barangay Pamplona Tres na inisyatibo ng lokal na pamahalaan na magkaloob ng pagbibigay serbisyo sa mga residente ng lungsod.

Sinabi naman ng bise alkalde, kanyang binigyang diin ang pagbibigay ng kahalagahan ng kasal sa usapin ng pagsasama ng bawat magkapareha.

Dagdag pa ng bise alkalde na bukod sa napapagkalooban ng lokal na pamahalaan ang bawat pares ng hindi malilimutan at memorableng karanasan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng libreng mass wedding ay napapagtibay din nito ang kanilang pagsasama na magiging daan sa pagkakaroon ng matibay na pundasyon ng kani-kanilang pamilya. James I. Catapusan

Previous articleGunrunner nabitag sa Negros
Next articleTerrorism charge inihain vs 4 suspek sa Moscow concert hall attack