MANILA, Philippines – Nasa 102 Persons Deprived of Liberty (PDL) ang matagumpay na nakapagtapos ng kanilang pag-aaral.
Pinamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor)
Medium Security Compound (MedSeCom) ang matagumpay na Moving Up, Graduation, at Completion Rites para sa 102 Persons Deprived of Liberty (PDL) na may temang “Gradweyt ng K to 12: Hinubog ng Matatag na Edukasyon” sa pamamagitan ng Education and Training Section at Alternative Learning System (ALS).
Sa nabangit na bilang, 24 ang umakyat sa Basic literacy program, 12 ay nagtapos ng Elementary Level at 66 ang nakatapos ng Junior High School.
Personal na sinaksihan at nagkaloob ng certificates at medalya sa PDLs sina C/CSUPT Celso S Bravo, OIC, Deputy Director General for Reformation, BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang. Teresa Tavares