Home NATIONWIDE 102,900 bote ng vape products nasabat ng BIR sa Laguna

102,900 bote ng vape products nasabat ng BIR sa Laguna

MANILA – Nasamsam ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group, Laguna Provincial Field Unit and nasa 102,900 bote ng vape products kung saan naaresto ang dalawang indibidwal sa isinagawang raid sa isang warehouse sa San Pablo City, Laguna.

Umabot naman sa P75.7 milyon buwis ang lugi sana sa gobyerno bunsod ng mga hindi rehistradong produkto.

Sinabi ng BIR na ginawa ang raid noong Marso 11.

“We have warned you as early as 2022. Our raids is successful. We won the criminal cases. May mga nakabinbing warrant of arrest ka na. Register and pay your proper taxes, or suffer the consequences,” ayon pa sa BIR.

Ang mga suspek ay mahaharap sa mga kasong kriminal dahil sa: paglabag sa pagbabalik at pagbabayad ng excise tax sa mga domestic products, at pagbabayad ng excise taxes sa mga imported na artikulo, tabako at sigarilyo; kabiguang maghain at magbigay ng tama at tumpak na impormasyon, magbayad, magpigil at magpadala ng mga buwis na pinigil at ibalik ang mga labis na buwis na pinigil sa kabayaran; at labag sa batas na pagmamay-ari o pag-alis ng mga bagay na napapailalim sa excise tax nang hindi binabayaran ang buwis; at pagtatangkang iwasan o talunin ang buwis ng National Internal Revenue Code. RNT

Previous articleLibreng breast cancer tests sa Hunyo ikakasa ng gobyerno
Next article4Ps beneficiaries ‘di pasok sa Food Stamp Program