Home NATIONWIDE 103 milyong SIM, rehistrado na – NTC

103 milyong SIM, rehistrado na – NTC

MANILA, Philippines – Umabot na sa 103 milyon ang mga SIM card na naiparehistro o 61.6% ng aktibong SIMs.

Ayon kay National Telecommunications Commission (NTC) Deputy Commissioner Jon Paulo Salvahan nitong Martes, Hulyo 18, nakatakda ang deadline nito sa Hulyo 25, 2023 at wala nang tsansang palawigin pa ito.

“Based sa discussions namin with the DICT, wala nang extension na ibibigay… para magrehistro ang active SIMs,” ani Salvahan sa public briefing.

“We are hoping na umabot pa ito ng 110 million by July 25,” dagdag pa niya.

Ipinaalala naman ng opisyal sa publiko na hindi na nila magagamit ang kanilang e-wallet kung hindi aktibo ang kanilang SIM.

“Hindi lamang nila ma-access if yung e-wallet nila ay naka-associate sa SIM na hindi nila ni-register,” sinabi ni Salvahan.

Maaari namang magrehistro ng iba’t ibang SIM ang isang indibidwal basta’t tama ang impormasyong ilalagay nito.

Sinabi pa ng ahensya na posible ring putulin ng mga telco ang access sa social media katulad ng TikTok at Facebook sa mga susunod na linggo ang hindi rehistradong SIM. RNT/JGC

Previous articleTulak na bebot, binitbit sa P136K shabu sa Caloocan
Next articlePBBM sa ₱20 per kilo na bigas, ‘We’re doing everything’