Home NATIONWIDE 10k PDLs mapapalaya sa mga susunod na buwan – Bucor

10k PDLs mapapalaya sa mga susunod na buwan – Bucor

MANILA, Philippines – Posibleng umabot sa hanggang 10,000 Person’s Deprived of Liberty (PDL’s) ang mapapalaya sa mga susunod na buwan.

Sa ginanap na culminating activity sa pagpapalaya ng mga PDL, binanggit ni Bureau of Corrections Chief Director General Gregorio Catapang Jr.

na maaring umabot pa sa 10,000 ang mapapalaya sa mga darating na buwan.

Kumpiyansa si Catapang na marami pa ang makalaya kasunod ng “Bagong BuCor sa Bagong Pilipinas”.

Kanina ibinigay ang certificate of discharged sa 632 na PDL’s na tapos nang pagsilbihan ang kanilang sentensya.

Sa data na inilabas ng Bureau of Corrections umabot sa 11,347 noong 2022 ang napalaya na mga PDL.

Noong November 2022 naman hanggang  ngayon,  nasa 8,324 na ang nai-release ng Bureau of Corrections.

Samantala, pinayuhan ni PAO chief Persida Rueda- Acosta ang lahat ng lalaya na magbagong buhay at yakapin ang sarap ng buhay sa labas ng piitan. Teresa Tavares

Previous article‘Di paggana ng COVID tracker ‘di alalahanin – DOH
Next articleDaniel, planong mag-settle sa US!