BATAAN – Nilikida hanggang sa mamatay ang isang 11-anyos na bata at dalawa pang senior citizen sa kanilang bahay sa Limay.
Kinilala ang mga biktima na sina Rosita Lobaton, 70-anyos, Marie Sampang, 60-anyos, at ang apo na si Reign Yoj Sampang.
Ayon kay Police Major Dennis Duran, hepe ng Limay Police Station, suspek sa krimen si Arvin Martin, na live-in partner ni Marie na umano’y pinalayas sa kanilang tinitirahan.
Sa follow-up operation, nadakip sa kaniyang bahay sa Lubao, Pampanga si Martin.