Home METRO 11 mula sa UCC pumasa sa Bar Exams

11 mula sa UCC pumasa sa Bar Exams

MANILA, Philippines – Malugod na binati ni Mayor Along Malapitan ang University of Caloocan City (UCC) – College of Law at ang 11 mag-aaral nitong mga bagong abogado matapos na pumasa sa 2023 Bar Examinations.

Nagsipasa sina Atty. Jesuso Babaran, Atty. Ezekiel Jacob D. Carinan, Atty. Vincent M. Chua, Atty. Pauline Mae C. David-Antonio, Atty. Mell Gilbert M. Magadan, at Atty, Jake C. Mallari.

Nalagpasan din nina Atty. Gigi M. Mendoza, Atty. Normalyn M. Oreña, Atty. Juanita R. Pineda, Atty. Leomar B. Seminiano, at Atty. Anthony C. Wanawan ang pagsusulit.

Katulad ng mga naunang hanay ng abogadong mula sa UCC, muli nilang ipinakita ang tatag ng loob na makayanan ang ilang taon ng pag-aaral upang matupad ang kanilang mga pangarap.

“Patunay kayong ang mga taga-Caloocan, kayang maging mahusay sa kahit anumang larangan. Sana ay maging inspirasyon kayo sa kapwa ninyo Batang Kankaloo at tahakin ninyo ang inyong bagong propesyon nang laging isinasabuhay ang inyong sinumpaang tungkulin na maglingkod sa sambayanan,” ani Malapitan. Merly Iral

Previous articleLalaki todas sa palo ng palaboy sa Maynila
Next articleWALANG PUSO: China muling kinondena sa pambobomba ng tubig sa BFAR vessel