Home NATIONWIDE 11 pang bihag pinalaya ng Hamas

11 pang bihag pinalaya ng Hamas

CAIRO/JERUSALEM- Pinalawig ng dalawa pang araw ang tigil-putukan sa pagitan ng Israel at Hamas sa Gaza, ayon sa mediator nito na Qatar nitong Lunes, na nagtaas sa posibilidad ng  pagpapalaya ng Palestinian group sa mas maraming bihag bukod sa 69 na pinalaya noong Biyernes.

Mapalalawig nito ang pansamantalang pagtigil sa seven-week war sa pagitan ng Israel at ng Islamist Palestinian group, na nag-ugat sa Oct. 7 attack into southern Israel kung saan nasawi ang 1,200 indibidwal at dumukot sa 240.

Kada araw mula nang umarangkada ang four-day truce noong Biyernes, nagpalaya ang Hamas ng ilang bihag habang pinakawalan din ng Israel ang ilan sa mga hawak nitong Palestinian.

“An agreement has been reached to extend the humanitarian pause for an additional two days in the Gaza Strip,” ayon sa Qatari foreign ministry spokesperson sa kanyang post sa social media platform X. Inihayag ng Hamas na pumayag ito sa two-day extension.

Wala agad naging tugon mula sa Israel, subalit kinumpirma ng isang White House official na kasado na ang kasunduan sa pagitan ng dalawang panig.

Nitong Lunes, sinabi ng Israeli military na 11 Israeli hostages – pinakabagong pinalaya sa ilalim ng orihinal na kasunduan na kasadong matapos noong Lunes– ang dumating sa srael.

Ayon sa Qatar kabilang sa mga pinalayang bihag, lahat ay dual citizens, ang tatlong French nationals, dalawang may German nationality at anim na Argentine citizens.

Nauna nang sinabi ng Hamas na natanggap nito ang listahan ng 33 Palestinians na palalayain mula sa Israeli jails kapalit ng pagpapakawala nila sa mga bihag. RNT/SA

Previous articlePagkakasangkot sa CTG ipinalilinaw ng UCCP
Next articleMalia, bet magkaroon ng ‘dada’ na pulis!