MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Department of Health ng 111 bagong kaso ng COVID-19 nitong Martes, kaya umabot na sa 4,114,099 ang kabuuang kaso ng coronavirus sa bansa.
Ayon sa COVID-19 tracker ng DOH, ang aktibong kaso ay bumaba ng 38 hanggang 2,867, habang ang mga nakarekober ay tumaas ng 149 na kaso sa 4,044,536. Nananatili sa 66,696 ang bilang ng mga nasawi.
Ang rehiyon na may pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 14 na araw ay ang National Capital Region na may 856, sinundan ng Calabarzon na may 333, Central Luzon na may 203, ang Davao Region na may 151 at Soccsksargen na may 108.
Sa mga lungsod at lalawigan, ang Quezon City ang may pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 14 na araw na may 209, sinundan ng Rizal na may 139, Bulacan na may 101, Cavite na may 98 at Davao City na may 91.
Samantala, mahigit 3,916 COVID-19 tests ang isinumite ng 304 na laboratoryo noong Lunes na may 13.4% cumulative positivity rate.
Ang COVID-19 bed occupancy rate ay 14.9% na may 3,118 occupancy bed—2,025 sa mga ito ay nasa Intensive Care Unit—at 17,776 ang bakante. RNT