Home METRO 12.2°C naitala sa Baguio City, pinakamababa ngayong amihan season

12.2°C naitala sa Baguio City, pinakamababa ngayong amihan season

MANILA, Philippines – Patuloy na magdadala ng maginaw na panahon ang northeast monsoon o amihan sa malaking bahagi ng Luzon.

Nitong Biyernes, Enero 26 ay bumaba sa 12.2°C ang temperatura sa Baguio City.

Ito na ang pinakamababang temperatura na naitala ngayong amihan season.

Samantala, naitala rin ng mga PAGASA station sa Laoag City at Tanay, Rizal ang pinakamalamig nilang temperatura ngayong amihan season sa 17.2°C at 17.9°C.

Naitala naman ang 14.1°C sa La Trinidad, Benguet, Basco, Batanes sa 15.0°C; Malaybalay City sa Bukidnon, 17.0°C; Tuguegarao City sa Cagayan, 18.6°C; at Abucay, Bataan sa 19.0°C.

Dito sa Metro Manila, ngayong Biyernes ay bumaba rin sa 21.6°C ang temperatura. RNT/JGC

Previous articlePower grids na magkukumpleto sa suplay ng enerhiya sa Visayas, Mindanao binuksan na!
Next articleChristian, posibleng mainlab sa lalaki!