Home METRO 12-anyos iniluwa ng ilog Pasig

12-anyos iniluwa ng ilog Pasig

MANILA, Philippines – Natagpuang malamig na bangkay ang 12-anyos matapos na malunod sa tabi ng ferry Station sa Muelle Dela Industria, Binondo, Manila nitong Miyerkoles ng madaling araw, Enero 17.

Kinilala ang biktimang si King Dan Jay, residente ng Laura Street, Pandacan, Manila.

Base sa ulat ng Manila Police District-Meisic Police Station 11, bandang 12:00 ng madaling araw, nang i-report ng Philippine Coast Guard ang natagpuang bangkay ng biktima.

Nauna rito, nagkayayaang maligo ang biktima at ilan nitong kaibigan sa ilog Pasig sa Claudio Street sa Pandacan ng bandang 2:00 ng hapon, nitong nakaraang Martes.

Dahil sa lakas ng agos ng tubig ,tinangay papalayo ang estudyanTE kaya agad na humingi ng tulong ang ama nito sa PCG.

Mabilis namang nagsagawa ng retrieval operation ang mga awtoridad hanggang sa matagpuang patay ang biktima sa naturang lugar. Rene Crisostomo

Previous articlePaslit patay matapos na madamay sa barilan sa Cavite
Next articleSputnik gang himas-rehas sa ‘di pagbayad ng nilaklak na alak