Home NATIONWIDE 12 militia vessels naka-back up sa Chinese Coast Guard sa water cannon...

12 militia vessels naka-back up sa Chinese Coast Guard sa water cannon incident – AFP

248
0

MANILA, Philippines – Sinuportahan ng 12 militia vessels ang Chinese Coast Guard sa pagbomba nito ng tubig gamit ang water cannon sa barko ng Pilipinas noong Sabado, Agosto 5 sa Ayungin Shoal, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Medel Aguilar nitong Huwebes, Agosto 10.

“Base po sa report na nakuha namin mula sa ating units sa ibaba, noong araw po ng Agosto 5, nung magkaroon po ng insidente sa Ayungin Shoal, namataan ng ating mga sundalo, yung mga tripulante, na mayroong 12 maritime militia, na ito ay sumusuporta doon sa anim na barko ng China Coast Guard, at tama po, mayroon din pong presensya ang People’s Liberation Army Navy, na nandun din po sa viciity ng Ayungin Shoal,” sinabi ni Aguilar kasabay ng Laging Handa Public Briefing.

Sa kabila nito, nilinaw naman ni Aguilar na hindi ito sumali sa mapanganib na pagharang ng CCG.

“Hindi naman lahat na ito ay nag participate o na-involve doon sa pagka-harang, sa water cannon, at saka sa mga dangerous maneuvers na sinigawa,” ani Aguilar.

Nauna nang sinabi ng National Security Council na gumamit ang CCG ng isa sa pinakamalakas na water cannon sa mundo, na lubhang mapanganib sa buhay ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard at AFP na sakay ng mga barko sa resupply mission nito patungong BRP Sierra Madre.

“We continue to assert our sovereignty. We continue to assert our territorial rights in the face of all of these challenges, and consistent with the international law, and Unclos (United Nations Convention on the Law of the Sea) especially,” pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. RNT/JGC

Previous articleChina nagpakitang-gilas na naman! Nagpadala ng barko, fighter jets sa Taiwan
Next articlePaglago ng PH economy, bumagal

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here