SAN SALVADOR, El Salvador – Hindi bababa sa 12 katao ang namatay at isang hindi matukoy na bilang ang nasugatan sa stampede sa isang soccer stadium sa El Salvador noong Sabado, sinabi ng gobyerno ng bansang Central America.
Naglalaro ang Alianza FC at Club Deportivo FAS sa ikalawang leg ng kanilang playoff quarter-final game sa Cuscatlan stadium sa San Salvador, ang kabisera ng bansa, nang nasuspinde ang laro matapos ang stampede sa general section.
Ang venue ay isa sa pinakamalaking stadium sa Central America at may opisyal na kapasidad na higit sa 44,000 fans.
“Lubos na ikinalulungkot ng Salvadoran Football Federation ang mga pangyayaring naganap sa Cuscatlan Stadium,” isinulat ng organisasyon sa Twitter.
“Nagpapahayag din ito ng pakikiisa sa mga kaanak ng mga naapektuhan at namatay sa insidenteng ito.”
Idinagdag ng federation na agad silang humiling ng ulat sa insidente habang sinuspinde rin ang torneo pagkatapos ng mga kaganapan sa Sabado, na nananawagan ng isang pulong sa Security Commission of Sports Venues sa Linggo.
Ikinalungkot ng world governing body ng soccer na FIFA ang mga pangyayari at sinabing isang minutong katahimikan ang gagawin bago ang apat na laban sa Linggo sa U-20 World Cup sa Argentina.
“Ipinaaabot ko ang aking pinakamalalim na pakikiramay sa mga pamilya at kaibigan ng mga biktima na nawalan ng buhay kasunod ng mga kalunus-lunos na insidente na naganap sa El Salvador,” sabi ni FIFA President Gianni Infantino sa isang pahayag.
Advertisement