Home NATIONWIDE 12 senador pumirma sa panel report sa pag-endorso ng medical marijuana bill

12 senador pumirma sa panel report sa pag-endorso ng medical marijuana bill

MANILA, Philippines – Pinirmahan ng 12 senador ang committee report sa panukala na gagawing legal ang medical use ng cannabis o marijuana.

Ang Committee Report No. 210, na inihanda ng Senate committee on health and demography nitong Lunes, Pebrero 28 ay naglalaman ng Senate Bill No. 2573 na inihain ni Senador Robin Padilla.

Pumirma sa panel report sina Padilla, at sina senador Christopher “Bong” Go, Ronald “Bato” Dela Rosa, Sonny Angara, JV Ejercito, Jinggoy Estrada, Mark Villar, Lito Lapid, Raffy Tulfo, Ramon “Bong” Revilla Jr., Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel Jr. at Senate Majority Leader Joel Villanueva.

Bagama’t pumirma sina Go, Villar, at Revilla ay mayroon itong reservations, habang sinabi nina Pimentel at Villanueva na magsasagawa sila ng naaayong amendments sa panukala.

“The state shall protect and promote the right to health of the people and instill health consciousness among them. Pursuant thereto, the state shall legalize and regulate the medical use of cannabis which has been confirmed to have beneficial 9and therapeutic uses for known debilitating medical conditions,” saad sa panukala.

Sa ilalim ng panukala, ang paggamit ng marijuana sa medical purposes ay pinapayagan “to treat or alleviate a qualified patient’s debilitating medical condition or symptoms.”

“The medicalization of cannabis includes its acquisition, possession, transportation, delivery, dispensing, administration, cultivation, or manufacturing by private individuals or entities only for medical and research purposes,” dagdag pa.

Lilikhain ang Philippine Medical Cannabis Authority o PMCA sa ilalim ng Department of Health (DOH), na magiging principal regulatory agency sa access at paggamit ng medical cannabis at ang implementasyon ng naturang hakbang.

Sa rekomendasyon ng DOH Secretary, magtatalaga ang Pangulo ng direktor na mangunguna sa PMCA.

Ang importasyon ng medical cannabis “from countries with stringent regulatory agencies or countries with established medical cannabis regimes or countries already using the same medical cannabis products in the last five years,” ay papayagan sa panukala.

Sa kabila nito, ipinagbabawal ang importasyo ng medical cannabis products “from countries not using their own products.”

Inilahad din ang mga ipinagbabawal na gawain sa naturang panukala. Ang kwalipikadong pasyente ay bawal na gumamit ng cannabis nang higit sa layunin nito nang paggamot sa “debilitating medical condition” at sa labas ng itinalagang treatment facilities, paggamit ng cannabis kasama ang iba pang illegal na gamot, pagbibenta o pamimigay ng medical cannabis.

Ang doktor naman ay ipinagbabawal na magreseta ng medical cannabis na walang S2 license at sa mga tao na hindi kwalipikado bilang pasyente sa ilalim ng panukala. Bawal din silang magreseta sa paggamit ng medical cannabis na hindi angkop sa nararapat na sakit nito, at dami na higit sa kinailangang dosage.

Dagdag pa rito, bawal din ang doktor na tumanggi na panatilihin ang rekord ng lahat ng kanyang mga pasyente at reseta na inisyu ayon sa Section 9 ng panukalang ito, at ang pag-isyu ng written prescription para sa sarili niyang paggamit, ng pamilya o kamag-anak.

Samantala, ang counterpart measure ay inaprubahan ng joint panel sa House of Representatives ngayong buwan. RNT/JGC

Previous articleTambay arestado sa granada sa Valenzuela
Next articleSenior, PWD patay sa sunog sa Rizal at Negros