Home METRO 120 aftershocks naitala kasunod ng Mindanao quake

120 aftershocks naitala kasunod ng Mindanao quake

MANILA, Philippines- Kasunod ng malakas na lindol na yumanig sa Mindanao nitong nakaraang linggo, nakapagtala ng hindi bababa sa 120 aftershocks hanggang nitong Huwebes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). 

Anim lamang sa aftershocks ang naramdaman, kung saan ang pinakamalakas ay magnitude 4.9, ayon kay Phivolcs director Teresito Bacolcol. 

“It would probably take several days to several weeks bago siya mag-dissipate. Pero habang tumatagal naman, kumakaunti yung number and humihina po yung magnitude [ng aftershocks],” aniya sa isang panayam.

Patay sa lindol nitong nakaraang Biyernes ang siyam na indibidwal habang 17 ang sugatan, base sa national disaster agency. 

Nagtungo ang mga tao sa mga kalsada o nagtabo sa ilalim ng mga lamesa nang tumama ang lindol sa Mindanao region, na nagpayanig sa mga gusali at pagguho ng bahagi ng kisame ng isang mall.

Nasa 1,700 tahanan ang nawasak o napinsala, ayon sa update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council nitong Miyerkules.

Sinabi ng state seismology service na posibleng ang ugat ng lindol ay ang paggalaw ng  crust ng daigdig at ng Cotabato trench, isang mahaba at makitid na depression sa seafloor na bumubuo sa boundary ng nag-uuntugang tectonic plate.

Madalas makaranas ng lindol sa Pilipinas, na matatagpuan sa Pacific “Ring of Fire.” RNT/SA

Previous articleTINGNAN: Pagpapailaw ng Christmas tree sa Navotas
Next articleRider sugatan sa bangga ng SUV