120 pasaway na indibiduwal sa QC huli sa paglabag sa curfew hour 

120 pasaway na indibiduwal sa QC huli sa paglabag sa curfew hour 

March 23, 2020 @ 4:01 PM 4 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Kanya-kanyang palusot ang nasa 120 na sibilyang nahuli ng mga pulis ng mga pulis dahil sa paglabag sa ipinatutupad na enhanced community quarantine o curfew hour kagabi Marso 22, 2020 (Linggo) sa Quezon City.

 

Ilan sa mga dinakip ay ginawang dahilan na naglalaro siya ng online game matapos mawalan ngsignal sa loob ng kanilang bahay kung bakit siya lumabas ng bahay.

 

Ilan naman sa dinakip ay nahuling nakikipag-inuman sa kanilang mga kaibigan sa lugar.

 

Nabatid sa ulat na galing ang mga nahuli sa 6 na barangay sa lungsod, kabilang ang Batasan Hills, Bagong Silangan, Commonwealth, Holy Spirit, Matandang Balara, at Payatas.

 

Ayon naman kay Polixe Major Sandie Caparroso, deputy commander ng BAtasan Police station, makailang ulit na nilang pinagsabihan ang mga tao na sumunod sa patakaran na ipinatutupad na quarantine at safety hours ng pamahalaan.

 

Agad din pinauwi sa kanilang mga bahay ang mga nahuli at hindi na kinasuhan dahil hindi na raw sila kasya sa kulungan ng police station.

 

Subalit nagbabala ang mga pulis na sakaling muling mahuli ang mga ito kakasuhan na umano ang mga ito. Santi Celario

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...