Home NATIONWIDE 1,200 patay sa cholera sa Malawi – WHO

1,200 patay sa cholera sa Malawi – WHO

86
0

MALAWI – Umakyat na sa nasa 1,210 katao ang nasawi sa itinuturing na deadliest cholera outbreak sa kasaysayan ng Malawi.

Ito ang iniulat ng World Health Organization nitong Huwebes, Pebrero 9 kung saan ang naturang bansa ay nakikipaglaban sa pinakamalalang cholera outbreak nito, kasabay ng nasa 37,000 kaso ng sakit mula noong Marso 2022.

Maliban dito, nakumpirma na rin ang kaso ng cholera sa iba pang lugar kabilang ang border ng Mozambique at napakataas ng posibilidad na kumalat pa ito sa mga kalapit na bansa.

Sa pahayag ng WHO, nagpapatuloy na ang active transmission ng sakit sa 27 sa 29 na distrito ng Malawi kasabay ng 143% na pagtaas sa kaso ng sakit noong nakaraang buwan kumpara noong Disyembre.

“With a sharp increase of cases seen over the last month, fears are that the outbreak will continue to worsen without strong interventions,” babala ng WHO.

Mayroon namang 80,000 kaso ang naitala sa buong kontinente ng Africa noong 2022.

“If the current fast-rising trend continues, it could surpass the number of cases recorded in 2021, the worst year for cholera in Africa in nearly a decade,” ayon pa sa WHO.

Mula nang maitala ang outbreak, nagkasa na ng dalawang malaking vaccination campaign ang Malawi ngunit dahil sa limitadong suplay, isa lamang sa inirerekomenda sana na dalawang oral cholera vaccine doses ang naibibigay.

Noong Nobyembre, nakatanggap ang Malawi ng ikalawang batch ng nasa 3 milyon doses ng gamot mula sa UN na naubos na noong nakaraang buwan. RNT/JGC

Previous articleDesisyon ng SC sa konstitusyonalidad ng TRAIN Act, pinuri ng DOF
Next articleSOGIE bill ‘di na kailangan – ex-law school dean