Home NATIONWIDE 1,200 pulis nagsilbing poll workers sa pag-urong ng mga guro sa BARMM

1,200 pulis nagsilbing poll workers sa pag-urong ng mga guro sa BARMM

MANILA, Philippines – Mahigit 1,200 pulis ang nagsilbi bilang poll workers sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) matapos na umatras ang ilang mga guro dahil sa security concerns.

Ayon kay Police Brigadier General Allan Nobleza, regional director ng BARMM police office, nasa kabuuang 1,201 tauhan mula sa Philippine National Police (PNP) ang itinalaga sa lugar upang maiwasan ang failure of elections.

“Meron po tayong mga naka-deploy sa polling centers na 1,201 PNP-trained special electoral boards para sa mga umatras na 1,201 teachers,” ayon kay Nobleza.

“Sa pakikipag-ugnayan po sa Comelec (Commission on Elections) ito po ‘yung kanilang mga request sa atin, magbigay po tayo ng mga pulis para po hindi magkaroon ng failure of elections doon sa mga lugar kung saan umatras ang mga teachers,” dagdag pa niya.

Sa Lanao del Sur lamang, sinabi ni Nobleza na nasa 1,198 pulis ang itinalaga kapalit ng mga gurong nagback-out.

“Sa Lanao del Sur meron pong 1,198 na mga teachers na hindi nagsilbi na mga electoral boards kaya po nagkaroon po tayong ng 1,198 na mga pulis na kung saan sila po ang nag-replace sa mga teachers na hindi nakapag-perform as electoral boards due to security reasons,” aniya.

Bilang paghahanda sa pangyayaring ito, sinanay na umano ang mga pulis sa pagiging electoral boards noong mga nakaraang linggo pa.

Matatandaan na ilang araw bago ang barangay at Sangguniang Kabataan elections, sinunod ang dalawang paaralan sa Maguindanao del Norte at Lanao del Norte na gagawin sanang voting center.

Ngayong araw, mismong halalan, Oktubre 30 ay dalawang botante rin ang pinagbabaril-patay sa Maguindanao del Norte. RNT/JGC

Previous articleMga pulis may libreng-sakay sa Aeta voters sa Bataan
Next articleVoter turnout sa BSKE 2023, mataas – Comelec