MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) na 124 overseas Filipino worker (OFW) ang gustong bumalik sa Pilipinas mula sa Lebanon dahil ang tensyon sa pagitan ng Israel at ng militanteng grupong Hezbollah ay humantong sa karahasan.
Matatandaang tumindi ang palitan ng putok sa pagitan ng mga puwersa ng Israel at Hezbollah at nakaapekto sa katimugang bahagi ng Lebanon at ilang mga Pilipino ay inilikas na mula doon, sabi ng DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac.
Sinabi ni Cacdac na inaayos na nila ang kanilang mga flight pabalik ng Pilipinas.
Kung sakaling lumala pa ang sigalot sa rehiyon, sinabi ng acting DMW chief na handa silang tumulong sa mga Pilipino.
Nagpadala na ang DMW ng augmentation team para palakasin ang labor attache nito sa Israel at ang migrant office nito doon, sabi niya, gayundin sa mga kalapit na lugar.
“May mga crisis plans, contingency plans in place. Matagal nang in place ang contingency plans. Yun namang preparations natin ay handa na rin,” aniya pa.
“Pati sa evacuation at repatration routes. Hindi ko lang dedetalyihin pero mayroon na rin tayong preparasyon doon.”
Itinaas ng Department of Foreign Affairs ang Alert Level 3 sa Lebanon. Ang Alert Level 3 ay nangangahulugan ng boluntaryong pagpapauwi. RNT