MANILA, Philippines – Nasa 1,775 ang average na bilang ng bagong kaso ng COVID-19 kada araw ngayong linggo.
Mas mataas ito ng 0.1% percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Mayo 8 hanggang 14.
Ito ay makaraang makapagtala mula Mayo 15 hanggang 21 ng 12,426 na bagong kaso ng sakit sa bansa.
Sa mga bagong kaso, 87 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.
Mayroon namang naitalang 13 na pumanaw kung saan isa ay naganap noong Mayo 8 hanggang 21.
Noong ika-21 ng Mayo, mayroong 486 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19.
Sa 2,134 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 389 (18.2%) ang okupado.
Samantala, 4,211 (23.0%) ng 18,321 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.
Ayon sa Department of Health (DOH) bakunado na laban sa COVID-19 ang nasa 78 milyong indibidwal o 100.44% ng ating target na populasyon habang 23 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.
Sa kabilang banda, 7.1 milyong senior citizens o 82.16% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series. Jocelyn Tabangcura-Domenden