Home NATIONWIDE 1,245 sangkot sa e-sabong naaresto sa ilalim ng Marcos admin

1,245 sangkot sa e-sabong naaresto sa ilalim ng Marcos admin

MANILA, Philippines- Aabot sa 1,245 indibidwal na hinihinalang sangkot sa online sabong  ang naaresto sa ilalim ng administrasyong Marcos, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Pinuri ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. ang mga pulis na responsable sa law enforcement operations laban sa e-sabong operators at players.

“The extensive crackdown on e-sabong illegal gambling underscores our unwavering commitment to the rule of law,” pahayag niya.

Batay sa datos ng crime incident reporting at analysis system ng PNP, makikita na nahuli ang mga suspek sa law enforcement operations sa buong bansa mula July 1, 2022 hanggang Aug. 15.

Sa bilang na ito, 322 na ang nahatulan habang ang iba ay sumasailalim pa sa trial sa mga korte o ini-refer ang mga reklamo laban sa kanila sa prosecutors para sa legal action.

Mayorya ng mga suspek ay mula sa Central Visayas sa 348, sinundan ng 328 mula sa Central Luzon.

Tiniyak ni Acorda na ipagpapatuloy ng PNP ang pagsugpo sa e-sabong, na idineklarang iligal ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. RNT/SA

Previous articleKorean restaurant nilooban; 1 sa 6 suspek timbog!
Next article295 pasado sa licensure exam para sa guidance counselors