Home METRO 126 rice retailers sa Mandaluyong, Makati nakatanggap ng cash aid

126 rice retailers sa Mandaluyong, Makati nakatanggap ng cash aid

287
0
Danny Querubin l Remate File Photo

MANILA, Philippines – Nasa 126 rice retailers sa mga lungsod ng Mandaluyong at Makati ang nakatanggap ng halos PHP2 milyon na cash assistance mula sa gobyerno.

May kabuuang 71 pribadong retailer ang nakakuha ng PHP15,000 bawat isa o kabuuang PHP1,065,000 mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa payout sa lobby ng Blue Building Annex ng Mandaluyong City Hall.

Danny Querubin l Remate File Photo
Danny Querubin l Remate File Photo

Samantala, 55 retailer sa Makati ang nakatanggap ng kabuuang cash aid na PHP825,000.

Bukod sa DSWD, ang cash assistance program para sa rice retailers ay nakipag-ugnayan din sa Department of the Interior and Local Government at Department of Agriculture kasama ang iba’t ibang local government units (LGUs) sa National Capital Region.

Nagbigay din ng cash aid ang mga lungsod ng Marikina, Pasig, Valenzuela at Pateros sa 736 rice retailers sa kanilang mga lugar noong Miyerkules na nagkakahalaga ng PHP11.040 milyon. RNT

Previous articleAlamin: Traffic advisory sa Pasay sa Bar Exam
Next articleSistema ng lipat-puno na hagip ng infra project, pinaayos ng solon

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here