Home HEALTH 127 dagdag-kaso ng COVID naitala

127 dagdag-kaso ng COVID naitala

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Pilipinas ng 127 bagong kaso ng coronavirus noong Martes, na nagdala sa nationwide caseload sa 4,115,325, sinabi ng Department of Health (DOH).

Batay sa pinakahuling bulletin, mayroong 2,912 active cases, habang ang kabuuang recoveries ay tumaas sa 4,045,711.

Sa kasalukuyan, nasa 66,702 na ang bilang ng mga namatay sa bansa.

Sa nakalipas na dalawang linggo, ang NCR ang may pinakamaraming kaso na may 966, Calabarzon na may 361, Central Luzon na may 199, Davao Region na may 147, at Soccsksargen na may 113.

Samantala, ang COVID-19 bed occupancy ay 14.9%, kung saan 3,080 ang occupied at 17,533 ang bakante.

Idinagdag ng DOH na 3,328 indibidwal ang nasuri noong Oktubre 2, habang 295 na testing lab ang nagsumite ng data. RNT

Previous articleSIRA BA KIDNEY MO? SOLB AGAD ‘YAN!
Next article2 patay sa sunog sa QC