Home NATIONWIDE 128 bagong kaso ng COVID naitala

128 bagong kaso ng COVID naitala

82
0

MANILA, Philippines – Nakapagtala ng 128 bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health nitong Sabado, Pebrero 4.

Dahil dito ay bumaba na sa 9,520 ang aktibong kaso ng nasabing sakit.

Ito na ang ika-limang sunod na araw na mas mababa sa 200 ang naitatalang kaso ng COVID-19.

Kasabay nito ay tumaas naman sa 4,073,739 ang nationwide caseload ng mga tinamaan ng sakit.

Sa nakalipas na dalawang linggo, nananatiling ang National Capital Region ang may pinakamataas na mga bagong kaso sa 658, sinundan ng Calabarzon sa 303, Davao Region sa 195, Western Visayas sa 179 at Central Luzon sa 151.

Karagdagang 124 indibidwal naman ang gumaling na mula sa sakit kung kaya’t ang recovery tally ay tumaas pa sa 3,998,380.

Samantala, tumaas naman sa 65,839 ang death toll dahil sa 15 bagong nasawi.

Hanggang nitong Biyernes, Pebrero 3, nasa 18.4% ang national bed occupancy rate sa 4,753 okupado at 21,049 bakanteng kama. RNT/JGC

Previous articleJullebee Ranara, ililibing na ngayong araw
Next articleHotsilog, kinalas pasok sa ‘worst dishes in the world’