Home NATIONWIDE 13 pang Pinoy nakalabas na ng Gaza

13 pang Pinoy nakalabas na ng Gaza

MANILA, Philippines- Nakatawid na ang panibagong batch ng higit-kumulang Pilipino sa Gaza sa border patungong Egypt nitong Lunes (Cairo time) sa gitna ng kaguluhan sa pagitan ng Israel at ng Palestinian militant group Hamas.

Ayon sa ulat, inaasahang darating ang mga Pilipino kasama ang kanilang mga asawa at kaanak na Palestinian, sa Cairo matapos makalabas ng Gaza sa pamamagitan ng Rafah Border Crossing.

Subalit, mahigit 20 pang Pilipino sa Gaza ang ayaw tumawid sa border.

Nanawagan si Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega sa mga natitirang Pilipino sa Gaza na samantalahin ang oportunidad na makaalis habang bukas pa ang Rafah Border Crossing.

“Napakasama na ng kondisyon ngayon sa Gaza kaya naman tugunin niyo ang panawagan namin na mandatory repatriation at samantalahin na habang ngayon pa bukas pa ang border crossing. Kasi hindi natin matitiyak na bukas palagi iyan” pahayag niya.

Kung ayaw pa rin nilang umalis ng Gaza, hahanap ang Philippine government ng tulong na maibibigay sa kanila, base kay De Vega.

Bumisita si De Vega sa Cairo upang maghatid ng mensahe sa foreign ministry ng Egypt mula kay DFA Secretary Enrique Manalo. Pagkatapo nito, pupunta siya sa Israel.

Halos 1,200 indibidwal, karamihan sa kanila ay mga sibilyan, ang namatay sa Hamas attacks noong October 7 at 240 indibidwal ang ginawang hostage, base sa Israeli officials.

Mahigit 11,000 indibidwal naman, karamihan din ay mga sibilyan, ang napaslang sa Gaza ng Israeli air strikes, batay sa Hamas health ministry sa teritoryo, ayon sa ulat. RNT/SA

Previous articleAudit report ng Kamara sa nakalipas na 6 taon, malinis – COA
Next articleBigtime oil price rollback gugulong sa Martes