13 pang pulis sa Mandaue City, sapul sa COVID-19

13 pang pulis sa Mandaue City, sapul sa COVID-19

July 1, 2020 @ 4:07 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang 13 na pulis na nakatalaga sa Mandaue City Police Office (MCPO) at kasalukuyan nang naka-isolate ang mga ito.

Sinabi ni Police Colonel Jonathan Abella, MCPO director, na asymptomatic ang lahat sa 13 pulis.

Ayon sa kanya, lumabas ang mga resulta nito noong Martes. Agad na inilipat ang mga ito sa isolation center ng Mandaue.

Sa ngayon, kabuuang 17 na pulis na sa MCPO ang nagpositibo sa COVID-19.

Hanggang Hunyo 30, nakapagtala ng 807 na kaso ng COVID-19 ang Mandaue City kung saan 535 sa mga ito ang aktibong kaso. RNT/MM

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...