Home METRO 28 sugatan sa banggaan ng 2 barko sa Cebu

28 sugatan sa banggaan ng 2 barko sa Cebu

314
0

MANILA, Philippines – Dalawang sasakyang pandagat ang nagbanggaan kung saan 28 pasahero ang nagtamo ng minor injuries.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), rumesponde ang kanilang tauhan kaugnay sa banggaan ng MV St. Jhudiel at supercat LCT Poseidon 23 sa bisinidad baybayin ng Barangay Looc, Mandaue City, Cebu, kahapon.

Umalis ng Ormoc City Leyte ang MV St.Jhudiel sakay ang 197 pasahero patungong Cebu City.

Habang naglalayag, nakaranas ito ng steering casualty at engine trouble na nagdulot ng banggaan sa LCT Poseidon 23 na patungo naman ng Mandauq City mula Ormoc City.

Sakay ng LCT Poseidon ang 17 rolling cargoes at 20 pasahero.

Dahil sa insidente, napilitang bumalik sa port of origin nito sa Ouano Wharf Mandaue City upang masuri ang pinsala bunsod ng aksidente.

Agad namang nagdeploy ng floating assets at land vehicle ang PCG at ambulansya para magbigay ng kaukulang tulong.

Tumulong din ang team ng Coast Guard Special Operations Group – Central Visayas at divers para sa search and rescue operations.

Bukod dito ang Coast Guard Marine Environmental Protection Force – Central Visayas ay ipinadala rin upang magsagawa ng oil spill assessment.

Pinayuhan din ng PCG ang mga sasakyang-dagat na maghain ng marine protests.

Samantala,inatasan ng Coast Guard District Central Visayas ang Maritime Safety Services Unit na magsagawa ng marine casualty investigation. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleGusot sa Kamara, tampuhan lang – Recto
Next articleMinorya sa Kamara bukas sa paggamit ng nukleyar

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here