Home NATIONWIDE 130K pasahero naitala sa PITX nitong Biyernes

130K pasahero naitala sa PITX nitong Biyernes

MANILA, Philippines – Dumagsa ang libo-libong pasahero sa Parañaque Integrated Terminal Exchange ilang araw bago ang Semana Santa.

Ayon sa datos, nasa 130,000 pasahero ang dumaan sa terminal nitong Biyernes, Marso 22, mas mataas sa average na 110,000 hanggang 120,000 pasahero.

Inaasahan ng PITX ang nasa 1.7 milyong pasahero na magtutungo sa Cavite, Laguna, Batangas, Quezon, at Bicol sa kabuuan ng Semana Santa.

Posibleng dumagsa ang mga ito simula Miyerkules, Marso 27.

Nagdagdag na ng K-9 units, patrol, at police assistance desks sa nasabing terminal. RNT/JGC

Previous articleMiyembro ng NPA sa Agusan, sumuko
Next articleP358M pekeng sigarilyo nasamsam sa raid sa Cavite