Home HOME BANNER STORY 131 pasaway na parak sinibak sa serbisyo

131 pasaway na parak sinibak sa serbisyo

MANILA, Philippines – Bunsod ng pinaigting na operasyon ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG), nagresulta ito sa pagkakatanggal sa 131 na pasaway na pulis, sinabi ng isang opisyal ng pulisya.

Ang mga pulis na ito ay na-dismiss mula Enero 1 hanggang Pebrero 14 ngayong taon, sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo sa isang presser sa Camp Crame, Quezon City.

Idinagdag niya na ang mga opisyal na ito ay tinanggal sa serbisyo dahil sa kanilang pagkakasangkot sa iba’t ibang iligal na aktibidad tulad ng pagnanakaw, iligal na droga, obstruction of justice, at pag-uugali ng hindi nararapat sa isang pulis.

Sa bilang na ito, 62 tauhan ang nag-absent without official leave (AWOL).

Sa ikalimang anibersaryo ng pagkakatatag nitong Huwebes, Pebrero 22, sinabi ng IMEG na nagsagawa ito ng kabuuang 86 na operasyon sa pagpapatupad ng batas.

Sa bilang na ito, 56 na operasyon ang nagresulta sa pagkakaaresto ng kabuuang 69 na indibidwal na kinabibilangan ng isang police commissioned officer (PCO), 16 police non-commissioned officers (PNCO), at limang sibilyan.

Sa kampanya laban sa mga wanted person, may kabuuang 47 aktibo at dating miyembro ng PNP ang naaresto — 21 PNCO at 26 na iba pa na retirado o natanggal na miyembro ng organisasyon. Santi Celario

Previous articleSuplay ng kuryente sapat sa kabila ng banta ng El Niño
Next articleKiko, Bam, Chel tatakbong senador sa 2025 – LP