Home HEALTH 133 dagdag-kaso ng COVID; 3,029 aktibong kaso

133 dagdag-kaso ng COVID; 3,029 aktibong kaso

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Pilipinas nitong Martes ng 133 bagong kaso ng COVID-19, ayon sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH).

Dinadala nito ang nationwide caseload sa 4,116,642 at ang aktibong tally sa 3,029.

Samantala, umakyat naman sa 4,046,911 ang kabuuang recoveries.

Walang bagong naitalang nasawi sa pinakahuling datos ng DOH dahil nananatili pa rin sa 66,702 ang bilang ng mga nasawi.

Sa nakalipas na dalawang linggo, ang NCR ang may pinakamaraming kaso na may 1,004, sinundan ng Calabarzon na may 372, Central Luzon na may 203, Davao Region na may 168, at Soccksargen na may 108.

Sa mga lungsod at lalawigan, ang Quezon City ang may pinakamaraming kaso sa nakalipas na labing-apat na araw na may 261, Rizal na may 129, Cavite na may 115, at Manila at Bulacan na may 97 na kaso.

Una rito, sinabi rin ng DOH na 1,264 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Pilipinas mula Oktubre 2 hanggang 8, 2023, na mas mataas kumpara noong nakaraang linggo.

Ang daily case average ay tumaas din ng 3% mula 176 hanggang 181 sa nasabing panahon.

Ayon sa DOH, inaasahan ang pagtaas ng communicable disease infections gaya ng COVID-19 at influenza dahil sa pagbabago ng panahon. RNT

Previous articleOct. 30 BSKE idineklarang special non-working day ni PBBM
Next article1 sa 7 Pinoy na nawawala sa Israel, natagpuan na – DFA