Home HOME BANNER STORY 14-anyos hinalay, pinatay; krimen binidyo, pinagyabang ng 3 suspek

14-anyos hinalay, pinatay; krimen binidyo, pinagyabang ng 3 suspek

923
0

MANILA, Philippines – Umalingasaw ang bangkay ng isang 14-anyos na dalagita na sinasabing ginahasa muna bago pinatay ng tatlong suspek sa Camarines Norte.

Hindi pa nakuntento sa kamunduhan ang mga suspek dahil binidyohan pa ng mga ito ang pambababoy na ginawa sa biktima saka pinanood sa iba.

Natagpuang walang saplot at halos naaagnas na ang katawan ng 14-anyos na dalagitang biktima sa mabundok na bahagi ng Jose Panganiban. Iniulat na apat na araw na itong nawawala.

Isang testigo ang lumutang sa pulisya matapos na ipapanood umano sa kanya ng mga suspek ang aktwal na krimen.

Agad namang nahuli ang isang 19-anyos na suspek at isa pang menor de edad, na sila ring nagturo sa mga awtoridad kung nasaan ang katawan ng dalagita. Patuloy pang hinahanap ang isa pang suspek. RNT

Previous articleDayuhang nakatulog, pinagnakawan ng masahistang malikot ang kamay
Next articleEat Bulaga may bagong hosts na!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here