Home METRO 14-anyos pumatay ng 7-anyos sa utos ni ‘pastor’

14-anyos pumatay ng 7-anyos sa utos ni ‘pastor’

ILIGAN – Umamin sa krimeng ginawa ang isang 14-anyos na batang lalaki sa Iligan City na pumatay sa isang batang babae matapos pagbabantaan ng isang umano’y pastor.

Inamin ng suspek sa awtoridad ang pagpatay sa isang 7-anyos na bata, na natagpuang patay ng Iligan Police noong Disyembre 12.

Sinabi ng suspek na inutusan siya ng isang pastor na tinatawag na “Alcom.”

“According sa statement of minor, ang nag-utos sa kanya, kung hindi daw niya mapapatay ang bata, siya daw ang papatayin. So, parang wala siyang choice, tapos parang may problema sa pamilya ang party sa nag-utos at ang bata na pinatay,” ani Iligan Police spokesperson Police Major Zandrex Panolong.

“Ang kanyang revelation ay binagsakan daw niya ng bato ang ulo [ng biktima] pero nakita ko na may sugat na parang resulta ng matalas na bagay. Ang expert from the forensic unit ang makaka-determine sa cause of death,” dagdag pa niya.

Hindi pa naman makumpirma ng pulisya ang motibo sa likod ng krimen.

Nasa kustodiya na ngayon ng Department of Social Welfare and Development Iligan ang suspek, habang ang umano’y pastor ay nakakulong pa. RNT

Previous articleLeptospirosis sa Eastern Visayas sumirit
Next articleSuspension order sa SMNI kinuwestyon ni Imee