Home METRO 14 babae nasagip sa human trafficking

14 babae nasagip sa human trafficking

BAGUIO CITY – Nailigtas ang labing-apat (14) na kababaihan na biktima umano ng sexual exploitation matapos ang isinagawang anti-trafficking operation ng National Bureau of Investigation – Cordillera sa Baguio City.

Ang nasabing mga kababaihan ay mula sa Visayas kung saan nakatakda umano silang pagtrabahuin sa isang bar bilang Guest Relation Officer o GRO.

Nakatakas naman ang sinasabing manager ng mga ito na kinilala sa pangalang Jess habang tinutukoy na ng mga otoridad ang may-ari ng establisyimentong pagtatrabahuan ng mga nailigtas na kababaihan.

Nahaharap sa kasong human trafficking violations ang manager at proprietor ng nasabing bar.

Samantala, sa datos ng US State Department mayroong 1,277 na biktima ng human trafficking sa Pilipinas ngayong taon kung saan 740 rito ay sexual exploitation at 537 ang labor trafficking. Rey Velasco

Previous articleTNT jersey ni Harvey Carey, iniretiro na
Next articleTrisha Tubu, 3 Adamson star, kasali sa Farm Fresh sa PVL