MANILA, Philippines – Sa kabila ng ilang pag-ulan, ilang mga lokasyon pa rin ang nakaranas ng matinding init, na may mga heat index values na umaabot sa “dangerous” level sa 14 PAGASA monitoring stations (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) stations noong Linggo, Mayo 21.
Ang heat index ay ang pagsukat kung gaano kainit ang pakiramdam kapag ang relatibong halumigmig ay isinasama sa aktwal na temperatura ng hangin.
Ayon sa PAGASA, ang heat index mula 42°C hanggang 51°C ay nagpapahiwatig ng paparating na “panganib,” dahil “malamang na magkaroon ng heat cramps at heat exhaustion,” at “heat stroke is probable with continue activity.”
Batay sa datos ng PAGASA, ang mga istasyong may “delikadong” heat index na naitala noong Linggo ay nasa Aparri, Cagayan (46°C); Masbate City, Masbate (44°C); Roxas City, Capiz (44°C); Tuguegarao City, Cagayan (44°C); Baler, Aurora (43°C); Dagupan City, Pangasinan (43°C); Dipolog City, Zamboanga del Norte (43°C); Laoag City, Ilocos Norte (42°C); Catarman, Northern Samar (42°C); Catbalogan, Western Samar (42°C); Clark Airport, Pampanga (42°C); Central Luzon State University, Muñoz, Nueva Ecija (43°C); Iba, Zambales (42°C); at Surigao City, Surigao del Norte (43°C).
Naitala ng PAGASA ang pinakamataas na heat index sa bansa ngayong taon noong Mayo 12 sa Legazpi City, Albay sa 50°C. RNT