Home NATIONWIDE 14 na volcanic earthquake naitala sa Taal

14 na volcanic earthquake naitala sa Taal

565
0

MANILA, Philippines – AABOT sa labing-apat (14) na pagyanig o volcanic earthquake ang naramdaman sa paligid ng bulkang Taal sa panibagong pag-aalboroto nito sa nakalipas na madamag, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, bukod sa pagyanig ay nakataas din sa Alert Level 1 ang paligid ng bulkang Taal.

Sinabi pa ng ahensya na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa paligid ng Taal lalo na sa main crater at ang pamamalagi sa lawa nito.

Idinagdag pa ng ahensya na hindi rin pinapahintulutan ang pagpapalipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa banta ng pagputok.

Nagbabala rin ang Phivolcs na maaaring maganap ang biglaang pagputok ng bulkan, volcanic earthquake, pagbuga ng ashfall at nakalalasong gas. Santi Celario

Previous articleTraining workshop sa legislative advocacy idaraos ng DOLE
Next articleBoss ng mga tulak, tiklo sa P3.5M tobats

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here