Home HOME BANNER STORY 14 paaralang apektado sa Taguig-Makati dispute tuloy sa Agosto 29! – DepEd

14 paaralang apektado sa Taguig-Makati dispute tuloy sa Agosto 29! – DepEd

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Department of Education (DepEd) nitong Huwebes, Agosto 17, na tuloy na tuloy ang pagbubukas ng klase sa 14 na pampublikong paaralan na apektado ng Taguig-Makati territorial dispute sa Agosto 29, kasabay ng nationwide opening ng School Year 2023-2024.

Ayon kay DepEd Undersecretary Michael Poa, hindi maaapektuhan ang pagbubukas ng klase ng mga ito sa kabila ng gusot sa pagitan ng dalawang lungsod sa kung sino ang magmamay-ari ng ilang mga paaralan.

“Hindi po, hindi po natin gagawin ‘yun. Wala pong ganoong pinag-uusapan ngayon. In fact, even the LGUs (local government units) naman po, hindi naman po nila kagustuhan ‘yan,” sinabi ni Poa sa 0panayam sa Radyo 630.

Nitong Miyerkules, Agosto 16, naglabas ng kautusan na nagbibigay ng direct supervision sa Office of the Secretary ng DepEd sa 14 na pampublikong paaralan at pagbuo ng transition committee na binubuo ng mga representatives mula DepEd at lungsod ng Taguig at Makati.

Si Vice President Sara Duterte ang kasalukuyang DepEd secretary.

“During the transition period, all activities to be conducted within the premises of and/or in relation to the subject public schools, including those from the Local Government Units of Makati and Taguig, shall require prior approval from the Office of the Secretary,” saad sa DepEd Order No. 23. RNT/JGC

Previous articleJoshua, pinagluto ang rumored jowa!
Next articleDalawang kaso ni Jay Sonza ibinasura ng dalawang korte sa QC