14 sakay ng nabanggang fishing boat, pinaghahanap pa rin

14 sakay ng nabanggang fishing boat, pinaghahanap pa rin

June 30, 2020 @ 10:23 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Nagpapatuloy ang paghahanap sa 14 nawawalang sakay ng fishing boat na nakabanggaan ng cargo ship kahapon, June 29 sa baybayin ng Mamburao Occidental Mindoro.

Kabilang sa nawawalang sakay ng Liberty 5 fishing vessel ang 12 mangingisda at dalawang pasahero.

Ayon sa PCG-Southern Tagalog, tanging ang mga banyera ng isda lamang umano ang natagpuan sa insidente

Ang Liberty 5 ay nabangga ng Viena Wood cargo vessel na isang Hong Kong registered kung saan lumubog ang bangkang pangisda habang nawawala naman ang mga sakay nito.

Iniimbestigahan na rin ng PCG ang insidente kung saan iinspeksyunin ang cargo vessel na ngayon ay nasa Batangas na upang malaman ang dahilan ng banggaan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...