Home NATIONWIDE 140 distressed OFWs napauwi na mula Kuwait

140 distressed OFWs napauwi na mula Kuwait

211
0

MANILA, Philippines – Nasa kabuuang 140 distressed overseas Filipino workers (OFWs) na ang napauwi sa Pilipinas mula Kuwait nitong Biyernes, Setyembre 15, ayon sa Overseas Workers Welfare Association (OWWA).

Ito ay bahagi ng repatriation program ng OWWA at Department of Migrant Workers para tulungan ang mga mangangailangan ng repatriation.

Sinalubong naman ng airport team ng OWWA ang mga OFW na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 at 3 mula Kuwait.

Inasistehan ang mga ito at binigyan ng pagkain, hotel accomodations, at pagbiyahe sa kanila pauwi sa mga probinsya.

Binigyan din ng OWWA ang mga OFW ng financial assistance. RNT/JGC

Previous articleTulong bumuhos sa Libya, libo-libong residente nawawala pa rin sa baha
Next articleSeguridad sa bar exam sa Cebu, hinigpitan pa!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here