Home METRO 141 PDLs ng Manila City Jail, pinalaya

141 PDLs ng Manila City Jail, pinalaya

Aabot sa 923 Person Deprived of Liberty (PDL) ang boboto ngayong 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Election sa Bureau of Correction mula sa Maximum, Minimum at Medium Security Compound ng Bucor. Cesar Morales

MANILA, Philippines – MAAGANG Pamaskong handog ng pamunuan ng Manila City Jail, sa mga inmate, na pinalaya nitong Biyernes ng hapon, Disyembre 8.

Ayon kay Jail Supt. Lino Soriano, warden ng Manila City Jail Male Dormitory, bandang 2:00 ng hapon, nang sabay-sabay na pinalaya ang mga inmate, bilang bahagi ng kanilang “Project Layang Inaasam sa napapanahong Okasyon” na naglalayong madecongest o mabawasan ang mga nakapiit sa kulungan, sa maagang Pamasko kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ng birheng Immaculada Concepcion.

Ayon kay Supt. Soriano, kabilang sa mga mapapalaya ay dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Time Allowance for Study, Teaching, and Mentoring (TASTM), mga na-dismis ang kaso at mga napagsilbihan na ang sentensya.

May kaugnayan din ang pagpapalayang ito sa idinaos na National Jail Decongestion Summit na naglalayong maresolba ang problema sa mga sobra-sobra at nagsisiksikang mga inmates sa mga kulungan sa bansa. Rene Crisostomo

Previous article2 kelot kalaboso sa boga at iligal na sugal
Next articleKier, may payo kay Dennis!