Home NATIONWIDE 145K pasahero pinaghahandaan na ng NAIA – Bautista

145K pasahero pinaghahandaan na ng NAIA – Bautista

MANILA, Philippines – Nasa 140,000 hanggang 145,000 pasahero ang inaasahang dadaan sa Ninoy Aquino International Airport (Naia) bawat araw mula Disyembre 22 hanggang 23, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista nitong Biyernes.

Sa panayam, tinukoy ni Bautista ang nabanggit na mga araw bilang “peak of the peak.”

“We are expecting na today and tomorrow will be the peak of the peak, we will have 140 to 145,000 passengers dito lang sa Naia ‘yan,” ani Bautista.

Ang surge ay mas mataas kumpara sa peak ng bilang ng mga pasahero na naitala sa kaparehong panahon noong 2019 o bago ang pandemya na 130,000.

“Higher na ‘yan sa pre-pandemic levels, ‘yung mga pre-pandemic nasa 130,000 lang tayo during the peak noong 2019,” paliwanag ng opisyal.

Sa kasalukuyang datos mula sa Manila International Airport Authority, aabot na sa 2,632,547 ang kabuuang bilang ng mga pasahero sa paliparan.

Ito ay 14.63% na mas mataas kumpara sa 2,296,639 pasahero na naitala sa kaparehong panahon noong 2022.

Naitala noong Disyembre 15 hanggang 17 ang pinakamataas na bilang ng mga pasahero na mahigit 140,000. RNT/JGC

Previous articleLasing na mangingisda nalunod sa Oslob
Next articleJC, nabablangko kay Papa P!