14K kilong binhi ng gulay ipinamahagi sa CALABARZON para masiguro ang food production sa gitna ng COVID-19 threat

14K kilong binhi ng gulay ipinamahagi sa CALABARZON para masiguro ang food production sa gitna ng COVID-19 threat

April 9, 2020 @ 4:50 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Nagpamahagi ang Department of Agriculture (DA) ng 14,427 kilograms ng mga binhi ng gulay na nagkakahalaga ng P34.8 million sa CALABARZON bilang aksyon para mamintina ang food production sa kalagitnaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis.

 

Pechay, mustasa, kangkong, lettuce, cucumber, cabbage, snap beans, radish, and “pinakbet” vegetable seeds were brought to five agricultural program coordinating offices (APCOs) in the region,” anang DA sa isang pahayag.

 

Anang DA na ipamamahagi ang mga binhi sa iba’t ibang syudad at munisipalidad sa susunod na linggo.

 

“The distribution of this intervention will be done through the assistance of the city and municipal agriculture offices,” dagdag pa.

 

Ang hakbang ay bahagi ng Plant, Plant, Plant Program ng DA na naglalayong masiguro ang food production sa bansa, ayon kay Field Operations Division Chief and Regional High Value Crops Development Program coordinator Engr. Redelliza A. Gruezo.

 

“We are doing our best to help prevent shortages and keep local food production going,” ayon kay Gruezo. RNT

 

 

Share

Leave a Reply

Loading...